Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla, Aljur Abrenica

Aljur naghamon kay Kylie, tunay na dahilan ng hiwalayan isiwalat  

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKAGUGULAT naman ang lumabas na hamon ni Aljur Abrenica sa asawa pa rin naman niya, dahil hindi pa naman napapawalang bisa ang kanilang kasal ni Kylie Padilla. Hinahamon ngayon ni Aljur si Kylie na aminin kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa tono ng salita ni Aljur, parang lumalabas na si Kylie ay nagkaroon ng affair sa iba na siyang dahilan ng paghihiwalay nila, pero hindi pa niya diniretsa. Basta ang tanong niya, “bakit hindi mo aminin kung sino ang nauna?” 

Noon naman daw naghiwalay sila, nagkaroon ng kasunduan na wala na lang magsasalita tungkol doon para mabigyang proteksiyon nila hindi lamang ang kanilang career kundi pati ang kanilang mga anak. Pero iyon nga lumabas din ang lahat nang iyon mismong ang tatay ni Kylie na si Robin Padilla ang nagsabing hiwalay na nga ang dalawa, at natural ang nasisi ay si Aljur.

Hindi rin naman naging maingat si Aljur dahil ganoon na nga ang usapan naging bukas na bukas pa ang relasyon niya kay AJ Raval kaya natural siya ang madidikdik dahil noon wala pa namang lumalabas na usapan na may iba na si Kylie.

At saka rito sa atin, aminin natin na may umiiral na double standards, na basta naghiwalay ang sinasabi agad ay kasalanan ng lalaki.

Pero ngayon naghahamon si Aljur na aminin na nila ang katotohanan? Ano nga ba ang kailangang aminin at may aamin ba naman talaga?

Ngayon may sinasabi na si Kylie ng, “lalaking nagpapasaya sa aking puso.” Pero may aaminin ba siyang naging affair bago pa sila naghiwalay ni Aljur? At kung ganoon nga, ano ang dahilan samantalang nawasak nga ang career ni Kylie at hindi natuloy ang kanyang pagsikat nang magpabuntis siya noon kay Aljur? Sa halip na siya ang sumikat, biglang naging star si Sanya Lopez. Kung sabagay, ok na si Sanya ang sumikat paaano kung nasingitan pa siya ng sinasabi nilang si “Sangre Darrena”? Oy nakita lang namin iyan sa X ha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …