Sunday , December 22 2024
Jose Manalo Wally Bayola The Jose and Wally Show Canada Tour 2024

Jose itinuturing na paglilingkod ang pagpapasaya sa mga ginagawang show

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUKOD sa pagiging sikat na komedyante at host ng Eat Bulaga! ay sumasalang din sina Jose Manalo at Wally Bayola sa mga out-of-the country shows para mag-concert.

Kaya tinanong namin si Jose kung ano ang nararamdaman niya kapag humaharap siya sa mga Filipino abroad bilang isang concert artist na kumakanta, sumasayaw, at nagpapatawa?

Mas masarap din eh, alam mong sabik sila eh,” umpisang pagbabahagi ni Jose.

Lalo pa nga at halos tatlong taon na huminto ang ikot ng mundo dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Korek, korek,” pagsang-ayon ni Jose. 

Medyo nag-lie low ang show, eh. Maraming nawala. ‘Yung balik mo ngayon… number one kasi roon eh, naaalis ‘yung pagod nila.

“Ayan kagaya ng sinasabi ko, gabi-gabi ‘di ba, kahit isang oras sana napalitan namin ‘yung lungkot, ‘yung stress. ‘Yung pakiramdam mo parehong… kung nasa Pilipinas ka nagpe-perform okay din pero mas doble sila, eh.

“‘Yung sabik nila eh, mas doble. Ilang oras ka nilang makikita… lahat aabangan nila, ‘Ano ba sasabihin nito?’ ‘Ano ba mangyayari rito?’

“So lahat ng bitawan mo kahit walang kuwenta tatawa sila.

“Kasi alam naman nilang komedyante ka. Tapos ‘yung pakiramdam na gaya niyan bumababa kami, pinagbabawalan nga kami niyong isang araw bawal bumaba may security pa.

“Kinausap ko ‘yung head sabi ko huwag masyado (mahigpit) hindi kami international artist.”

Kuwento pa ni Jose, “Pabayaan mo kami, bababa kami, ngayon kung alam niyong nagkakagulo… hindi naman nagkakagulo, halimbawa siksikan na, o sila na mismo ang medyo nagtutulakan, doon pa lang sila papasok.

“Mas gusto namin ‘yung nararamdaman nila kami. Gusto namin, ramdam namin, gusto namin mahahawakan kami, kahit pangit ka gusto ka nilang hawakan ‘di ba,” at tumawa si Jose.

“‘Yung mga ganoon. Iba ‘yung pakiramdam kasi naging tagahanga rin kami.

“Mas mahirap sila, ‘pag hindi sila umuuwi sasabihin nakalimot na. Pero hindi nila alam gaano ang hirap ng buhay dito. 

“Nakita mo naman kahit wala na kaming boses pero ‘yung adrenalin namin, lahat ng iniinom iinumin ko na para mabuhay lang.”

Kamakailan ay nakasama kami mismo nina Jose at Wally sa Canada para sa kanilang The Jose and Wally Show Canada Tour 2024 na produced ng Fireball Productions–Canada nina Loren Ropan at Rhodora Soriano.

Tatlong venues ang pinagdausan ng kanilang concert, ang una ay sa South Hall Banquet Place, Vancouver noong March 27, na sinundan sa Rajveer Banquet Hall sa Calgary noong March 30, at ang pinakahuli ay sa TCU Place sa Saskatoon noong March 31.

Nakasama nina Jose at Wally sa kanilang concert tour ang bandang Pedro & The Hallowblocks na binubuo nina Pedro Busita, Jr., Jessie Leandro Pacatang, Ericson de Villa with special participation of Paul Traqueña na drummer mula mismo sa Calgary.

Sa Canada namin nakapanayam si Jose, sa hotel sa Saskatoon bago kami tumungo sa Vancouver noong April 2 upang lumipad pauwi ng Pilipinas.

Tinanong naman namin si Jose kung saan siya mas nag-eenjoy, sa mga out-of-the country shows, magpatawa o kumanta?

Magpatawa. Pero kasama pa rin si kanta, eh.”

May mga nagugulat kapag kumanta na sina Jose at Wally dahil maganda ang singing voice ng comic duo.

Reaksiyon ni Jose, “Sabi ko nga noong nagre-rehearsal kami kagabi roon sa tech, dahil ‘yung mga local dito, may puti, ano ‘yan eh mga seryoso sa trabaho ‘yan eh, kaya pagdating ko paos na ako, sabi ko, ‘We’re not singers,’ sabi kong ganoon, ‘tulungan niyo kami.’

“So nakakakanta pero ‘yung nagugulat sila kasi ang nakikita nila kasi tawa lang ng tawa, eh. So parang dagdag na lang sa amin ‘yun eh, doon sa package namin na kumakanta kami. 

“Pero more talaga gusto namin mas magpatawa.

“Nawala na ‘yung era dati kasi na mayroony mga komedyante talaga na magagaling din talagang kumanta. So hindi naman kami puwedeng… nakakakanta, puwede, nakakakanta kami, i-add na lang para roon sa pina-package sa amin.

“Na may mga kanta, ano bang mga uso? Kailangan ‘pag narinig nila, nakaka-relate sila sa roon sa kinakanta namin. So ‘yung paghanga sa pagkanta, siguro lahat iyan pasalamat sa Diyos, eh.

“Kasi binigyan kami ng ganoon kasi hindi naman kami puwedeng tumayo lang dito para magpatawa.

“Kailangan may naka-package ka, variety.”

At dahil kilalang-kilala si Jose bilang si “Mayor” sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga! ay tinanong namin si Jose kung sa tunay na buhay ba ay may plano siyang pasukin ang politika?

Hindi,” simpleng pakli ni Jose.

Pero aminado si Jose na may mga nag-alok na sa kanya na tumakbo.

Marami!”

Bakit ayaw niya?

Ang sarap ng buhay ng walang kagalit, eh. Kasi ‘pag nag-politika ka, lalo na mag-u-umpisa ka roon sa Chairman, papanhik ka, Konsehal, Mayor, blah, blah, blah, hindi mo alam ‘yung kaharap mo, ‘Ano ba ‘to, akin ba ‘to?’

“Ang sarap niyong wala kang kalaban.”

Dagdag pa ni Jose, “Gusto kong mag-serve kaya ang ginagawa ko, iyon ang lagi kong ipinapanalangin, ‘Lord, gamitin mo ako. Gamitin mo kami.’

“Gusto kong mag-serve. Mayroon naman other way na para makapaglingkod ka sa bayan mo na hindi ka papasok sa politika

.

“Which is eto na ‘yun.

“Ang importante lang naman, bakit ka ba tumatakbo? Para bigyan mo ng kaligayahan ang mga tao.

“Eto ‘yun. Eto ‘yung return na ibinibigay natin.

“Ang politika kasi napakahirap, talking about politics and religion mahirap.”

Kaya never papasok si Jose sa politika.

Ayan alam ni Wally ‘yan, kahit ‘pag nagsu-shooting kami sasakay ng sasakyan, ako magda-drive manual, hindi ko kaya. Hindi ko kaya, inaamin ko agad hindi ko kaya.

“Si Wally, nakakapag-[manual], siya magda-drive. 

“Ibig kong sabihin hindi kami sumusubo sa isang bagay na hindi namin kaya. Kagaya sa Manila, ‘pag may kumukuha sa amin, malaking event, hosting. Host kami sa ‘Bulaga’ alam namin kung paano kami mag-host, kung anong klaseng host.

“Pero ‘yung seryosong host, corporate hindi namin pinapatulan ‘yun, hindi kami tumatanggap kahit sabihin mong malaking bayad.

“Kasi alam naming hindi namin forte. Sa ganoong hosting kailangan the way you pronounce, lahat, hindi kami iyon, eh.

“Comedian kami, iyon ang forte namin.”

Alam ng lahat na nanggaling sila from humble beginnings, ngayon ay dalawa sila sa itinuturing na comic icons ng Pilipinas, ano ang maipapayo nila sa mga nagsisimula pa lamang sa larangan ng comedy?

Mahalin nila ‘yung trabaho nila. Pag-aralan pa. Walang katapusang learning ‘yan, ganoon naman ang buhay, eh. Aral pa, mahalin ‘yung trabaho at huwag sayangin ‘yung ibinigay na talent sa iyo.

“Marami tayong artista na sayang walang nangyari, hindi nakaipon. Kasi it’s a blessing kung anuman ‘yung ginagawa mo ngayon, kung ano ‘yung ibinibigay sa iyo, ingatan mo na at bigyan mo ng halaga para tumagal ka.

“At ‘yung pakikisama number one. Kailangan huwag kang masyadong magpasilaw sa palakpak ng tao.

“Huwag mong sayangin ‘yung talent. Kanya-kanya tayong talent, talent sa pagmamaneho, talent sa negosyo, eto ‘yung talent mo.

“Ingatan mo kasi ibinigay Niya sa iyo ‘yan so, huwag mong sayangin at huwag mong gamitin sa hindi maganda,” payo ni Jose.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …