I-FLEX
ni Jun Nardo
UNBOTHERED ang Eat Bulaga sa episode nito last Saturday kahit tinapatan ng sanib puwersa ng GMAat ABS-CBN, huh!
Binigyang-pugay ng EB ang ilang barangay na kabilang sa Barangay Special nilang ginawa. Performers ang mga barangay peeps with matching props at costumes.
Pero magaling talaga ang Bulaga sa pag-assemble ng maraming tao. Maraming tao, maayos ang mga daan at preparadong lahat ng performers na hindi naman talagang celebrities.
Kung sa It’s Showtime, tambak ang mga host at artistang bisita, sa Bulaga, tanging si Andres Muhlachang ipinambala ng EB sa lahat!
Eh sanay na kasi ang EB Dabarkads sa ganitong bakbakan. Wala na silang dapat ikatakot pa dahil at the end of time, mananatili pa rin silang paborito ng manonood tuwimg tanghali.
Sa guesting si Andres sa Peraphy, kilig na kilig si Ryza Mae Dizon. Nakatanggap pa siya ng halik at yakap sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Simula pa lang ng bakbakan ng Bulaga at It’s Showtime at ngayong Lunes, malalaman kung alin pa rin ang mas pipiliin ng manonood sa tanghali.