HATAWAN
ni Ed de Leon
NAPAKA-SUWERTE ni LJ Reyes. Isipin ninyo nang magdesisyon siyang manirahan sa US kasama ang dalawang anak matapos na siya ay iwanan ni Paolo Contis mabilis siyang nakakuha ng trabaho bilang isang modelo. Roon lamang ay kaya na niyang buhayin ang dalawang anak kahit na hindi pa ‘yon sustentuhan ng mga tatay nila.
Pero palibhasa’y matinong babae, nakatagpo ng isang mabuting manliligaw, si Phillip Evangelista na kalaunan ay pinakasalan siya at itinuring na tunay na mga anak ang mga anak niya sa una.
Ngayon maligayang-maligaya na si LJ, kamakailan ay nag-post pa siya ng pictures nila ni Phillip habang nagbabakasyon sa Rome. Isipin ninyo, kung hindi nahiwalay si LJ kay Paolo magiging ganyan kaya kasaya ang buhay niya lalo ngayong nabawasan na naman ang hanapbuhay ni Paolo nang ipasara na ang kanilang show na hindi na masaya?
Talagang ang mga mabubuting tao ang siyang pinagpapala.