Saturday , November 16 2024
Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, TVJ

Joey may katwiran sa hindi pagdedeklarang National Artists sa TVJ

HATAWAN
ni Ed de Leon

HUWAG na,“ ang sabi na lang ni Joey de Leon sa mga nagsasabing panahon na  para ang TVJ ay makasama na rin sa hanay ng mga national artist.

Alam din naman kasi ni Joey kung ano ang sasabihin ng mga kritiko nila. Hahanapan sila ng “artistic masterpiece” nila, eh hindi naman ang mga iyan ang gumagawa ng mga pelikulang pa-bonggang wala naman. Aminado naman silang gumagawa sila ng pelikula para kumita.

Isa pa tama naman sila eh, marami ang mga komedyanteng nauna sa kanila na hindi naman binigyan ng ganoong karangalan gaya halimbawa ng kinikilalang comedy king na si Mang Dolphy na sa dinami-rami ng mga pelikulang nagawa na nagustuhan ng masa, hinahanapan pa rin noon ng artistic body of works. Ganoon din naman si Chiquito, o si Pugo na sumikat din nang husto. Si Pugo pa nga, masasabing ang comedy ay may kaugnayan sa kulturang Filipino, iyong Tang Tarang Tang. Pero alam pa ba ng mga gumagawa ng nomination sa national artist ang mga bagay na iyan?

Tama lamang na tumanggi na si Joey. Basta kasi sa kanila ang mahalaga ay nagugustuhan ng mga nanonood ng pelikula ang kanilang ginagawa, kumikita ang mga pelikula nila, ayos na iyon. Ni hindi nga naghahabol ng awards ang mga iyan eh. At saka ano ba ang mapapala nila kung maging national artist?

Ang national artist ay tumatanggap ng P200K oras na ideklara kang national artist tapos may matatanggap kang P50K buwan-buwan mula sa gobyerno habang nabubuhay ka. Kung magkakasakit ka sasagutin ng gobyerno ang bayad sa ospital mo kung wala kang kakayahan. At kung ma-tegi ka pararangalan ka at ibuburol sa Cultural Center kahit na sandali at kung gugustuhin ng pamilya mo maaari kang ilibing sa Libingan ng mga Bayani.

Alin sa mga bagay na iyan ang kailangan pa ng TVJ?  Iyong kinikita lamang nila araw-araw sa Eat Bulaga baka mas malaki pa sa sinasahod ng mga national artist. Iyong pagpapagamot naman kung may sakit, mukhang hindi rin nila kailangan iyon, lalo na iyong iba pa. Kaya nga ang malakas na biruan eh, sige gawin ninyong national artists iyong mga laos na at walang pinagkakakitaan, iyong mga malapit nang ma-tegi at siguradong may mapagdalhan na sa kanila. Pero iyong malalakas pa huwag na muna naku.

About Ed de Leon

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …