ni Ed de Leon
NATAUHAN ang sexy female model na akala ay totoong baliw na baliw sa kanya ang DOM na syota niya sa ngayon. Nabalitaan kasi niya na iniwan na nga niyon ang dating syotang model at artista rin dahil in love nga sa kanya talaga.
Pero siyempre si sexy model hindi naman talagang in love sa kanyang DOM, sinasabi lang niya iyon para bolahin ang matanda. In the first place, ang sexy model ay may pagka-lesbiyana at may syotang tunay na babae.
Hiningi raw ng babae sa lesbiyanang model na ibahay na siya niyon sa isang condo at doon nabuo ang hindi magandang kaisipan nitong pababayaran niya sa DOM ang condo na magiging love nest nila ng kanyang syotang babae. Kung magpunta man si DOM sa condo madali na silang gumawa ng alibi.
Kaso mautak pala ang DOM payag siyang bilhin ang condo sa kondisyong ilalagay lang iyon sa pangalan ng model kung magpapakasal muna sila. Wasak ang plano ng magsyotang lesbiyana na mauto ang matanda.