RATED R
ni Rommel Gonzales
SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian Rivera (Katherine) sa My Guardian Angel.
First time makasama ng beteranang aktres ang Kapuso Primetime Queen sa isang teleserye.
Kinumusta kay Marissa kung paano katrabaho si Marian.
“Okay naman. Okay naman, ‘di ba?”
Umamin si Marissa na tagahanga siya ni Marian.
Lahad niya, “Noong una, siyempre ako, una ko siyang makakatrabaho, nanonood lang ako sa kanya.
“Nginingitian ko at saka hello, hi.
“Ang ganda, ang payat, napaka-fragile niya. Beso-beso, tapos balik na ako sa baba. Si Marian, doon naman sa kuwarto niya.”
Umamin din ang veteran actress na nakaramdam siya ng takot sa unang pagsasama nila ni Marian sa serye.
“Minsan lang kami nagkakaeksena, but lately, this is what I felt. Parang close na. It’s more than just hi, hello.
“At saka noong una natatakot ako, hindi na ngayon.
“Medyo ilag ako, siguro dahil tagahanga niya ako.
“Gandang-ganda ako sa batang ito.”