Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Kim Molina

Basher ni Jerald mukhang kaminero?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAG-REACT si Kim Molina sa isang comment sa kanyang post sa social media na nagsabing ang kanyang boyfriend na si Jerald Napoles ay mukhang ”kargador.”

“una bastos ka,” bungad ni Kim bilang sagot niya sa nagmamaldita ring basher.

“Dapat mong malaman ang isang katotohanan talagang kargador si Je noong araw nabubuhat sila ng tela sa Divisoria bago siya naging isang artista at bago pa siya napanood sa teatro. 

At ano ang masama sa pagiging kargador marangal na trabaho iyan at hindi nga ba mas lalo nating dapat igalang iyang mga nagtatrabaho nang mabigat at nang mababa pa ang suweldo dahil ang mga ganyang tao ang kailangan natin,” sabi pa ni Kim.

Na totoo naman kaya nga sa mga lalong mauunlad na bansa kagaya ng America, mas malaki ang suweldo ng mga nagtatrabaho ng blue collar jobs. Mga trabahong ayaw ng marami at mahirap. Kinikilala kasi nila ang kahirapan ng mga ginagawa ng mga taong iyon. At saka naisip din naman namin, ano naman kaya ang itsura ng taong nagsasabing mukhang kargador si Jerald? Hindi naman kaya mukha siyang kaminero?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …