Sunday , December 22 2024
Lianne Valentin

Lianne Valentin walang panahong maghabol sa lalaking ayaw na sa kanya

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY mga pelikulang nagawa na si Lianne Valentin noong bata pa siya, pero ngayong dalaga na dalawang Cinelamaya films, ito ang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa (2017),  ML (2018), at Apo Hapon (A Love Story) ngayong 2024.

Aktibo rin si Lianne sa telebisyon. Kasama siya sa Apoy sa Langit, Royal Blood, at Lovers/Liars sa Kapuso.

Ano ang pakiramdam kapag napapahinga sa paggawa ng teleserye para gumawa naman ng pelikula?

“Siyempre iba pa rin ‘pag movie of course, iba ‘yung experience. Parang ‘pag movie  talagang alam mo ‘yun…’pag sa TV medyo ano tayo (maingat) may MTRCB eh. So hindi lahat talaga naipapakita.

“‘Pag movie kasi iba eh, iba ‘yung pagkakasulat, iba ‘yung pagkakagawa pagdating sa mga camera style, iba ‘yung experience siyempre.

“‘Pag teleserye kasi pangmasa. Kapag movie you’re expressing like, stories talaga na walang halong, kumbaga walang limit.”

Pero si Lianne mismo, may limitasyon sa maaari niyang gawin sa harap ng kamera.  

“Siyempre parang so far, in my career siguro pagdating doon sa siyempre ‘yung limits pagdating sa role ng babae, of course nagawa ko naman na ‘yung ‘Apoy Sa Langit’ and everything,  pero siguro ang masasabi kong limit ko is still no, no… anything na exposed.”

Kissing scene?

”Okay lang.”

Torrid?

“Ay hindi,” at tumawa si Lianne.

Hindi pa rin siya handa para sa isang GL project o sa isang tomboyan na proyekto.

Sa Apo Hapon (A Love Story) ay hinabol-habol ng karakter niya ang karakter ni JC De Vera. Sa tunay na buhay ba ay naranasan na niyang magmahal ng isang lalaki to the point na hinabol-habolito?

“Naku hindi, hindi. Ako kasi naniniwala ako na ‘pag tapos ka na, tapos ka na.

“When you’re done, you’re done, time to move on kaysa magsayang ka ng time and effort.”

Siya rin ay hindi pa naranasan na habul-habulin ng isang lalaki na tila stalker na.

“Ako kasi hindi ko na pinapa-abot sa ganoon.

“Siguro hindi ko papaabutin sa ganoon. Kasi kapag ayoko na or wala ng pag-asa, sasabihin ko, para hindi na umasa ‘yung tao. 

“Kaysa nagsasayangan kayo ng oras, ng time and effort.”

Napapanood din si Lianne sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2 sa GMA tuwing Linggo, 7:15 p.m. kasama sina Sen Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at Beauty Gonzalez.

Samantala, tawa lang ang isinagot ni Lianne nang kumustahin ang lovelife. Nasa trabaho siya nitong nakaraang Valentine’s day.

Natatakot ba siya na magka-lovelife dahil sa kaliwa’t kanang break-up sa showbiz?

“Parang hindi naman,” at tumawa si Lianne, “ipinagdarasal ko na lang na sana huwag mangyari sa akin,” at muling tumawa ang Kapuso actress.

Nasa-shock daw siya sa mga hiwalayan.

“Siyempre nagugulat din ako, parang siyempre ‘yung ibang couples doon lahat ng tao invested sa relationship nila, relationship goals, inspiration.”

Sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla raw pinaka-naapektuhan si Lianne.  

Samantala, walang plano si Lianne na sumali sa anumang beauty pageant.

“Hindi,” mabilis niyang sagot. “Hindi ko talaga (kaya) ano. Hindi talaga.

“Kasi ang tagal ng tinatanong sa akin, may nag-o-offer sa akin before pa pero parang hindi pa ako ready, parang hindi talaga, siguro baka hindi ko kayanin ‘yung pressure, ako kasi medyo kabado kapag marami talagang tao.

“So feeling ko sa Q and A baka mablangko ako. Pero so far hindi ko pa talaga nakikita ‘yung sarili ko na sumali,” sinabi pa ni Lianne.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …