HATAWAN
ni Ed de Leon
NAPANSIN lang naming iyang si Atasha Muhlach na sinasabing hindi siya masyadong nahilig sa social media dahil nang bigyan naman siya ng cell phone ay 17 years old na. Aba eh napakarami namang gumawa ang account para sa kanya. Lahat ng gawin niya sa telebisyon kumanta man o sumayaw, tiyak na posted sa social media. Hindi siya mismong gumagawa niyon kundi ang kanyang fans. At makikita mo naman ang mga comment, puro ang sinasabi ay “ang ganda” “ang bait” at “talagang magaling si Tash”.
Aba sa ngayon ay walanag artstang babae na napapansin ng ganyan. Kahit na ang nanay niyang si Charlene Gonzales hindi naman nakatawag ng ganyang pansin noong araw. Malakas talaga ang dating ni Tash.
Huwag nga lang magkakamali ng diskarte sa career iyang batang iyan, iyan ang tatanghaling kasunod na pinaka-magaling at pinaka-sikat na aktres at hindi isang star lamang. Dahil naroroon na si Tash hindi na napapansin kung mayroon mang unti-unti nawawala sa Eat Bulaga. Number three na ngayon si Tash sa aming listahan ng aming pinaka-magagandang aktres. Sa listahan namin ay kabilang si Ate Vi (Vilma Santos), who has remained beautiful and sexy at 70, tapos si Sunshine Cruz na napakaganda pa rin, at ngayon nga si Atasha Muhlach.