Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Atasha Muhlach Juliana Gomez

Atasha, Andres, Juliana umaarangkada ang mga career

HATAWAN
ni Ed de Leon

UMAARANGKADA ngayon ang anak ng mga artista.

Iyong kambal ni Aga Muhlach na sina Andres at Atasha, nakasama na sa isang fahion show noong Fashion week para sa isang local garment manufacturer at bongga ang performance nila. Angat pa rin sila sa mga ibang professional models na nakasama nila sa fashion show. Tuwang-tuwa naman ang dalawa dahil sa naging pagtanggap sa kanila ng publiko at sa tulong ng kanilang mga nakasama sa una nilang fashion show.

Umarangkada rin naman si Juliana Gomez na nag-uwi ng medalya para sa UAAP Fencing Competition. Si Juliana naman ay hindi na bago sa fencing at ilang ulit na rin siyang naging champion. Iyang panalo niya sa UAAP ay parang karaniwan na lang sa kanya.

Mukhang ang inalat lang ay ang kambal nina Carmina at Zoren, na hindi na nga naka-angat natigbak pa ang noontime show na nasamahan nila. Pero hindi mo naman maaaring sisihin ang magkapatid, iyon ay dahil sa maling diskarte rin ng mga producer ng show at kahambugan ng ibang kasama nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …