Sunday , December 22 2024
Vilma Santos Christopher De Leon When I Met You in Tokyo 

Comeback movie ni Ate Vi pinanonood ng mga Kano, iniiikot pa sa Europe at Spain

HATAWAN
ni Ed de Leon

IKINATUTUWA rin naman ni Vilma Santos na ang kanyang come back movie na When I Met you in Tokyo ay patuloy na ipinalalabas sa iba’t ibang lugar sa US.Hindi naman pumasok iyon sa commercial theater circuits sa Amerika, pero may mga ginaganap na special screening sa iba’t ibang lugar na hinihiling ng mga Pinoy na mapanood ang pelikula. Hindi lang mga Pinoy dahil kung sila lang ang manonood mapupuno ba nila ang sinehan? May mga Kano ring nanood ng pelikula bagama’t iyon ay hindi pa naman dubbed in Engish at wala ring subtitles man lang na Ingles. 

Kung ano ang napanood natin dito noong Metro Manila Film Festival (MMFF) ganoon din ang ipinalabas sa US. Ang akala nila mailalabas lamang ang pelikula roon sa Manila International Film Festival (MIFF) na lahat din ng sampung entries sa MMFF ay kasali. Pero hindi ganoon ang nangyari sa pelikula ni Ate Vi dahil maraming fans na nasa malalayong lugar naman at hindi nakapunta noon sa LA na ipinalabas ang kanyang pelikula kaya inilabas na rin nila iyon sa ibang states na may mga Filipino namang tumayong organizer ng special screenings. Kaya nga tiniyak ng producers ng pelikula na kumita sila hindi lang sa PIlipinas kundi maging sa abroad, kaya lang sumunod sila sa MMFF Guidelines na hindi dapat ilabas ang kanilang actual gross. Ginagawa naman iyan ng MMFF para bigyang proteksiyon ang ibang pelikulang hindi gaanong kumita. Nagpapalabas lang sila ng rankings at hindi ng actual gross.

At least hindi lang dito sa Pilipinas tinatangkilik ang pelikula ni Ate Vi kundi maging sa abroad. Nagpapatuloy din ang pag-ikot ng pelikula sa iba’t ibang bansa sa Europe at sa Spain.

At least magandang balita iyan para sa mga Vilmanian. Malungkot kung ang mababalitaan mo ay may pelikulang natapos ang idol mo pero hindi maipalabas dahil tinatanggihan na ng mga sinehan.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …