RATED R
ni Rommel Gonzales
TUWANG-TUWA ang American actor na si Brandon Melo sa pagkakataong ibinigay sa kanya na mag-shoot sa Banaue rito sa Pilipinas para sa pelikulang Take Me To Banaue nila nina Maureen Wroblewitz at Thea Tolentino.
“Taking the magic of Banaue is something that I’ve never experienced before,” kuwento ni Brandon.
“And you know, we hiked to get there and I found out actually, being a big Marvel fan, that it’s actually the same house that they shot Thanos’ scene in ‘Avengers: Infinity War!’”
Kinunan sa Banaue Rice Terraces ang final scene ng blockbuster na Hollywood film na Avengers: Infinity War ng Marvel Studios noong 2018.
Si Thanos, na ginampanan ng Hollywood actor na si Josh Brolin, ang main kontrabida na kalaban ng mga Marvel superheroe na tulad nina Thor, na ginampanan ni Chris Hemsworth, Black Widow (Scarlett Johansson), Captain America (Chris Evans), Spider-Man (Tom Holland), Hulk (Mark Ruffalo) at Iron Man (Robert Downey, Jr.), among others.
Kaya naman ganoon ka-proud si Brandon na narating niya ang eksaktong lugar na kinunan ang eksena ni Thanos.
“So I was geeking out and like jumping around, so I was just like, ‘Oh my God, that’s where they shot the stuff!’
“So that was just exhilarating,” bulalas pa ni Brandon.
Mula sa Carpe Diem Pictures nasa pelikula rin sina Boobay, MJ Lastimosa at isa pang American actor na si Dylan Rogers.
Unang pelikula ni Brandon ito na napapanood na ngayon via streaming sa www.takemetobanauefilm.com at sa direksiyon ni Danny Aguilar.