HATAWAN
ni Ed de Leon
KAWAWA naman ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na sinasabi ngayon ng ilan na mukhang malas. May mga hitsura naman pero iyon nga napasama sa isang noontime show na na-tegi matapos lamang ang ilang buwan.
Hindi mo naman masasabing kasalanan iyon ng kambal, hindi naman sila ang main hosts ng show Support lang sila at kung minsan hindi pa nga halos mapansin. Isa pa, hindi tamang sisihin ang kambal dahil nagsisimula pa lang ang show nila ay puro negative na ang dating niyon sa publiko. Tinatawag silang “Fake bulaga” noong una, at tapos naman ay “Tahanang PInasara.”
Sana mabigyan naman sila hg isang bagong break na makatutulong sa kanilang career at hindi makasisira pa.