HATAWAN
ni Ed de Leon
MANINIWALA ba kayo na umano nakapag-usap na rin ulit sina Bea Alonzo at Dominic Roque, at hindi na nga raw dapat pagtakhan kung isang araw ay malaman na nag-reconcile na sila at maaaring matuloy ang kanilang kasal.
Sa ngayon hindi pa nga siguro makukompirma ang mga tsismis na iyan. Si Bea ay sinasabing naglalagi sa kanyang farm sa Zambales. Naroroon din kasi ang kanyang ina at wala naman siyang ginagawang projects sa ngayon. Mukhang nakalimutan na ang mga project na nakalinya sa kanya noon maging sa telebisyon nang hindi kagatin ng tao ang team up nila ni Alden Richards.
Wala pa rin naman ang sinasabing mga pelikulang gagawin niya. Noon nag-aagawan sila kay Bea ngayon parang lahat matamlay na.
May nagsasabi pang kung magtatagal pa ang ganyang sitwasyon maaaring magbakasyon muna siya sa kanyang nabiling apartment sa Spain, na sinasabing balak niyang mag-retire pagdating ng araw.
Sa Spain ang sino mang tao, maski na dayuhan basta nakabili ng real estate property sa kanilang bansa ay binibigyan nila ng karapatang manirahan doon. Kaya may karapatan si Bea.
Sa ganoon ay makaiiwas pa nga siya sa mga tanong tungkol sa kanilang split ng dating boyfriend at ang hindi pagkakatuloy ng kanilang kasal.
Mas magiging matahimik at mapayapa ang buhay niya, tutal wala pa naman siyang ginagawa sa ngayon.