RATED R
ni Rommel Gonzales
HAPPY ang Pinoy singer na based sa Amerika, si Garth Garcia dahil napapansin ang mga Filipino talent sa international scene.
“Nakatutuwa kasi ang dami ng representation, si Jokoy nag-host ng Golden Globes, si H.E.R, si Olivia Rodrigo, and these are Fil-Ams na nire-recognize talaga nila ‘yung Filipino roots nila, Dolly De Leon.”
At dahil sa singing competition nagsimula si Garth, sa Star In A Million noong 2004 na si Frenchie Dy ang grand winner, tinanong namin ito kung hindi ba niya naisipang sumali sa mga singing contest sa US tulad ng American Idol o America’s Got Talent.
“‘Yung ‘The Voice US’ they emailed me and then nagpa-send sila ng video performance, nag-send ako and then they said na may final callback, nag-callback ulit ako, then nag-submit uli ng video, ang daming process, but after that hindi na sila nag-email ulit, but I’m more scared doon kasi ang mga kalaban mo mga African-American singers, ang gagaling.”
America’s Got Talent hindi siya nag-try?
“Hindi.”
May plano siya na subukan?
“Not really in the future pa, kasi parang sobrang stiff ng competition.”
Sa ngayon ay nasa Pilipinas si Garth at magkakaroon ng concert, ang Garth Garcia: Back Home sa March 9 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan City.
Guests dito sina Klarisse de Guzman at Faith Cuneta gayundin sina Geca Morales, Deb Victa, RomBoys Club, at Carmela Ariola.
Magkakaroon din ng homecoming concert si Garth sa Digos City sa March 10 at sa Digos Davao del Sur sa March 11. Si Frank Mamaril ang direktor with Tantan Macalla as the musical director at available ang mga ticket sa TicketWorld.