ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MINSAN pa lang namin napakinggan ang InnerVoices, pero bumilib agad kami sa nasabing banda. Napakinggan naming sila sa Aromata restobar, located sa #120 Scout Lazcano St., Tomas Morato, QC, at na-enjoy namin nang husto ang kanilang live performance.
Actually, lahat kaming taga-media na nandoon that night ay elib na elib talaga sa galing ng grupong InnerVoices.
Parang nag-flashback tuloy sa akin noong time na nagsusulat pa ako sa songhits sa GASI higit dalawang dekada na ang nakaraan at kino-cover ko ang mga sumisikat pa lang noon na grupo gaya ng E-Heads, Parokya, Rivermaya, Yano, etcetera.
Anyway, balik sa InnerVoices, masarap makinig sa grupo habang kumakain at umiinom ng beer. Pagkatapos humataw sa maghapong work, perfect na mag-unwind kasama ng bandang ito.
AngInnerVoices ay binubuo nina Atty. Rey Bergado, Angelo Miguel, Rene Tecson, Alvin Herbon, Joseph Cruz, Joseph Esparrago, at Ruben Tecson.
Nang usisain namin kung bakit sila ganoon kagaling, “Ensayo siguro, laging nag-eensayo,” wika ni Angelo na siyang lead vocalist ng grupo.
Sabi naman ni Atty. Rey, “Thirty-three years na kaming magkakasama, college days pa. Matagal na talaga kaming magkakasama and pare-pareho kami nang hilig talaga, mga ‘80s kids talaga kami.
“Angelo is younger, pero ‘80s din ang hilig niya,” aniya patungkol sa genre ng musikang kanilang nakahiligan.
Pahayag pa ni Angelo, “Yeah ‘80s baby ako, kasi my family, hindi naman musicians, pero music lovers kami. So everyday, ‘yung cassette ipini-play… Take on Me ng Aha, Hotdogs…”
Favorite band daw nila ay ang English pop rock band na Tears For Fears, according kina Rene, Atty. Rey, at Angelo, na siyang nakapanayam namin that night.
Nabanggit din niya ang kanilang mga single na nasa streaming app na.
Wika ni Angelo, “Isasayaw Kita ang carrier ng mga single na ini-launch namin last September. Kasama niyan ang Anghel at Hari, lahat iyon ay nasa Spotify, Deezer, at iTunes. And iyong music video ng Isasayaw Kita, please panoorin ninyo. Kasi we poured our hearts and soul to that music video.
“So, roon ninyo makikita ang emosyon nang isinulat kong kanta, nang isinulat namin. Maganda po iyong music video, nasa Facebook page po namin iyon, nasa YouTube.”
Ang naturang music video ay naka-one million views na.
Dagdag ni Angelo, “Sa mga hindi po nakaaalam, ang Isasayaw Kita ay isinulat ko po para sa aking yumaong anak. Namatay ang aking anak, it’s not miscarriage, but namatay siya sa loob, nagkaroon ng heart problem, So, namatay siya during pregnancy.”
Binuo nila ang kanilang banda noong 1991, na mga magkakaklase from Letran.
Esplika ni Atty. Rey, “Mga magkaklase kami e, mahilig kami sa kantang Beatles, nagja-jam kami ng Beatles… at lagi kaming naiimbitang kumanta sa mga program.
“Then we realized, bakit hindi na lang tayo gumawa ng mga sarili nating kanta? So iyon, gumawa kami ng mga original songs at nabuo iyong InnerVoices.
“And luckily, untill now ay buo pa rin kami,” nakangiting sambit ni Atty. Rey.
Bakit InnerVoices? “Para kasing ano e, since gumagawa kami ng mga kanta, sabi namin, ‘Saan ba galing ito?’ Parang voice from within, e, so we called ourselves, InnerVoices,” sambit pa ng musician na abogado.