Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang projects lately. Ngayon ay bahagi siya ng pelikulang Dearly Beloved na tinatampukan nina Baron Geisler at Cristine Reyes.

Ipinahayag din ni Maricar na wish niyang maging active na ulit sa showbiz.

Sambit ng aktres, “Yes po, gusto kong magtuloy-tuloy na itong pagiging active ko sa showbiz.

“Sinabi ko naman sa handler ko po na kahit mommy o tita role ay okay sa akin. So, huwag lang sexy role, okay ako.

“Kaya naman magaganda rin ang naibibigay sa akin na mga trabaho.”

Pagpapatuloy na wika ni Maricar, “Super-happy po ako ngayon sa pagbabalik showbiz ko at dahil din sa bagong handler ko ito, super blessed ako sa kanya dahil napakabait at understanding niya.

“And nagpapasalamat din ako sa Viva sa pagbibigay ulit ng trabaho sa akin.”

Ang handler ni Maricar ay si John Navarro.

Nabanggit din ni Maricar na kaya ayaw na niyang magpa-sexy sa movies ay dahil sa kanyang mga anak.

Esplika niya, “Yes po tito, and hindi ko na talaga rin kaya at wala na rin akong ‘K’ sa pagpapa-sexy. Plus, baka ma-bash lang ako at ‘yun din kasi ang iniiwasan ko talaga… and inilulugar ko na lang po ‘yung sarili ko sa dapat kong kalagyan.”

“Dalawa po ‘yung kids ko at parehong lalaki, bale mga binata na po sila, e,” pahabol na pakli ng dating member ng Viva Hot Babes.

Ayon sa aktres, thankful siya sa mga opportunity na dumarating sa kanya bilang aktres.

“Ang last movie ko po ay ‘yung Road Trip na mula sa Viva Films, na pinagbidahan nina Ms. Candy Pangilinan, Gelli and Janice de Belen, and Carmina Villaroel. Bale last January lang po ito naipalabas sa mga sinehan.

“So, ang next naman na aabangan nila ay itong movie na Dearly Beloved, sina Baron at Cristine Reyes ang mga bida sa movie. Si direk Marla Ancheta naman ang director namin, siya po iyong direktor din sa Doll House na movie ni Baron.

“Magandang movie po itong Dearly Beloved, love story siya, kaya abangan sana po nila ito. Sa mga sinehan din po ito ipalalabas.”

Dagdag pa niya, “Nag-shooting kami last November, bale ang role ko rito ay pinsan po ako ni Cristine. Siya po ay working as a singer dito sa bar na pagmamay- ari ko.”

Anong klaseng katrabaho sina Baron at Cristine?

Tugon ni Maricar, “Sina Baron at Cristine, nakapagaling nilang umarte. Kumbaga ay parang walang ka-effort-effort. Makikita mo talaga na sanay na sanay na sila sa camera, kaya naman inaral ko pong mabuti talaga ang script ko.”

Bukod sa pagiging aktres, si Maricar ay isang talent manager din. Kabilang sa talents niya ang Vivamax sexy star na si Angelica Hart, ang bagets na si Jhana Villarin, at ang newbie na si Angeline Aril.

Ang magandang aktres ay mayroon ding food delivery business na Chef Icaru.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …