I-FLEX
ni Jun Nardo
NATAPOS na ang sa Baliwag scene na eksena sa top-rating GMA show na Abot Kamay Na Pangarap.
Eh sa isang episode ng GMA afternoon show, nabanggit ang salitang baliwag o baliuag na patungkol sa salitang baliw na tao. Gay linggo ito na madalas gamitin sa chikahan ng mga accla at pati babae.
Sa nasabing eksena, sinabihan ang character ni Pinky Amador na si Moira Tanyag na papunta na sa pagiging baliwag at saka nagtawanan ang kapwa niya preso.
Inalmahan ang eksenang ito ni Baliwag, Bulacan Mayor Ferdie Estrella dahil ipinarating ito ng nasasakupan.
Ipinaliwanag ng mayor na ang kahulugan ng salitang baliuag na ibig sabihin ay malalim o sa English ay profound.
Agad bumisita kay Mayor Estrella ang GMA executives na sina AVP for Drama Ali Dedicatoria at executive producer ng show na si Joy Pili. Humingi siya ng apology sa nasabing eksena at tinanaggap naman iyon ni Mayor Estrella.
Sinabi pa ni Mayor Ferdie na puwede rin silang mag-taping sa Baliwag para malaman kung gaano ito kaganda at kababait ng mga tao.