Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Min Bernardo Kathryn Bernardo

Luha ni Mami Min tagos sa puso

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANG tumulo ang luha ni Min Bernardo, nanay ni Kathryn habang ang kanyang anak ay muling pumipirma ng kontrata sa ABS-CBN at tinawag nga nilang Asia‘s Superstar, palagay namin iyon ang pinaka-matinding dagok kay Daniel Padilla na mas matindi kaysa pamba-bash sa kanya ng fans.

Iba ang luha ng ina basta nakita ng publiko dahil alam niya ang sakit, ang naging damdamin at paghihirap ng kalooban ng kanyang anak mula nang malaman niyon mula mismo sa isang babaeng nagsabing nakatalik niya si Daniel nang minsang malasing siya sa bahay mismo niyon, na siyang dahilan kung bakit masakit man, nakipag-break nga si Kathryn sa aktor. At sino ba ang higit na makakaalam ng paghihirap ng kalooban ng isang anak kundi ang nanay.

Pero mabait pa rin si Min dahil ni katiting wala kang narinig na masamang salita laban kay Daniel o sa babaeng nakasama niyon sa kanyang kataksilan. Sa kanila, umibig si Kathryn, naloko at  magsisilbi na lang iyong leksiyon sa kanila para mas maging maingat sa susunod.

Noong mapanood namin iyon, ang nasa isip namin siguro nga kung kapatid namin si Kathryn, baka baupakan namin iyang si Daniel oras na makita namin. Pero ano nga ba ang pakialam namin sa kanila?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …