Sunday , December 22 2024
Baby Go

Baby Go may malasakit sa movie industry, maraming naka-line up na projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKIISA sa pagdiriwang ng birthday ni Ms. Baby Go ang mga malalapit sa kanya sa labas at loob ng showbiz industry, last Sunday, February 4.

Kabilang sa present ng gabing iyon ang mga batikang direktor na sina direk Joel Lamangan, Buboy Tan, Louie Ignacio, at Adolf Alix Jr. 

Nandoon din ang katuwang ni Ms. Baby sa mga pelikulang ginagawa niya, ang line producer, writer, at talent manager na si Dennis Evangelista, plus ang multi-awarded actor na si Allen Dizon na madalas magbida sa movies ng BG Films.

Present din dito sina Atty. Ferdie Topacio, Kate Brios, Lance Raymundo, Charo Calalo, Angelica Jones, Janna Zaplan and family, Ms. Tess Tolentino ng TTP Productions, Direk Romm Burlat, Doc Ramon Ramos, ang pamilya ni Ms. Baby at mga malalapit na taga-entertainment media, at marami pang iba.

Nabanggit ni Ms. Baby kung gaano niya kamahal ang industriya ng showbiz.

Esplika niya, “Mahal na mahal ko ang movie-showbiz industry, kaya here pa rin ako, kasama nyo pa rin ako. Gusto ko talagang makatulong sa mga taga-industriya sa showbiz, lalo na roon sa maliliit na movie workers. Kaya nagpo-produce pa rin ako ng movies.”

Inusisa rin ang lady boss ng BG Production ukol sa kanyang birthday wish.

Pahayag ni Ms. Baby, “Ang wish ko lang naman, na sana after ng success ng MMFF 2023 ay magtuloy-tuloy na ang pagbangon ng pelikulang Filipino. At sana, mas dumami pa ang mga movie producers na gagawa ng pelikula para makatulong sa mga movie workers. Ipag-pray natin na makabangon na nang tuluyan ang industriya ng movies.”

Aniya pa, “Nakakataba ng puso na sa araw na ito ng Linggo na dapat ay para sa inyong pamilya, pero nandito kayo at sumusuporta. Maraming salamat po sa inyong lahat.”

Naikuwento rin sa amin ni Dennis na nakatakdang gumawa na naman ng iba’t ibang pelikula ang movie company ni Ms. Baby.

“Magiging super active na ang BG Production and will produce more mainstream movies with big cast and shooting abroad,” pakli ni Dennis na siyang line producer ng mga pelikula ng BG Productions.

Ang ilang sa projects na ito ay ang horror family drama movie to be directed by Joel Lamangan. Ayon kay Dennis, ang target cast daw ng pelikulang ito ay sina Carmina Villaroel, Richard Yap, Beauty Gonzales, at iba pa. Na hopefully raw, with younger cast like sina Jillian Ward, Seth Fidelin, and Juan Carlos.

Isa pa sa naka-line up nilang project ay ang Bela Padilla and Allen Dizon starrer, to be shot in Australia at ito ay pamamahalaan ni Direk Adolf Alix Jr.

Kabilang din sa mga project na ito ang tatampukan naman ni Pokwang, na ang shooting ay sa Zamboanga. Ito ay mapamamahalaan ni Direk Louie Ignacio. Plus, ang comedy flick na si Direk Neal Tan naman ang magdidirek. Planong tampukan ito ng singer icon na si Ms. Pilita Corrales, kasama sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Dulce.

Ang isa sa inaabangang pelikula sa BG Productions ni Ms. Baby ay  ang Abe-Nida na mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio.

Ang Abe-Nida ay pinagbibidahan nina Allen at Katrina Halili. Tampok din dito sina Gina Pareño, Joel Lamangan, Maureen Mauricio, Vince Rillon, Leandro Baldemor, at ang Pola, Oriental Mindoro mayor na si Ina Alegre.

Sa pelikulang ito’y ginampanan ni Allen ang papel ng isang mentally disturbed sculptor at inaasahan na muli siyang hahakot ng award sa napakahusay niyang pagganap sa naturang pelikula.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …