Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong revilla Jr. Beauty Gonzalez

Bong tuloy ang pagbibigay-aliw, Beauty puring-puri

LABIS ang pasasalamat ni Sen Ramon “Bong” Revilla. Jr. sa GMA dahil sa season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Lahad ni Sen Bong, “I’m very thankful sa GMA dahil sa tiwala na ibinigay nila sa akin. At mas pinalaki pa na ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ ang ibinigay nila.”

Bukod dito ay pinuri rin ng senador, na gaganap bilang si Tolome ang akting ng kanyang leading lady na si Beauty Gonzalez na gaganap naman bilang ang asawa niyang si Gloria.

“Sa performance ni Beauty Gonzalez, wala akong masabi. 

“Talagang na-surpass niya ‘yung Season 1. Iyun ‘yung pinakamabigat na challenge for us, to surpass the first one.

“And I think, at sinabi ng mga boss natin sa GMA, na na-surpass natin ‘yung ating Season 1.”

Pinapurihan din ni Sen Bong ang kanyang co-stars sa propesyonalismo at husay sa pag-arte ng mga ito.

They’re all professionals, they’re all good actors and actresses,” bulalas ni Sen Bong. “Ang gagaling nila. 

Wala akong reklamo. Pagdating nila sa set, alam nila ‘yung gagawin nila. ‘Yung character nila nandoon na agad, pasok na kaagad sa kanila. They are all professionals.

“Sabi ko nga, iba na ‘yung mga artista talaga ngayon, ang gagaling. I’m very, very happy sa buong cast.”

Eere na ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 simula February 4 sa GMA.

Ang iba pang cast nito ay sina Carmi Martin, Raphael Landicho, Ejay Falcon, Nino Muhlach, Liezel Lopez (na lagari sa Asawa Ng Asawa Ko), Maey Bautista, Jestoni Alarcon, Celeste Cortesi, Kelvin Miranda, Nikki Co, Angle Leighton, Herlene Budol, Dennis Padilla, Max Collins at marami pang iba.

ito ay idinidirehe ni Enzo Williams.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …