Friday , November 15 2024
Electricity Brownout

BLACKOUT SA PANAY ISINISI SA MULTIPLE PLANT TRIPPINGS  
Giit ng NGCP whole-of-industry approach para sa maayos na supply

MULING nanawagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng isang whole-of-industry approach kasama ang mas maayos na energy resource planning kasunod ng naganap na multiple power plants tripping kaya naalan ng supply ng koryente ang Panay islands mula sa iba pang Visayas grid nitong nakaraang Martes, 2 Enero 2024.

“The unscheduled maintenance shutdowns of the largest power plants in Panay island was the primary cause of the power interruption. We emphasize the need for improved planning to ensure sufficient generation per island, with a well-balanced mix of fuels and technology,” ani NGCP.

Nauna nang naitala ng NGCP ang kawalan ng supply ng koryente ng mga power generator plant sa Panay Island kabilang dito ang PEDC Unit 1 at 2 (83 MegaWatts kada isa ), at ang PCPC (135MW), at iba pa.

Sa pangyayaring ito, kasunod ng planong maintenance shutdown ng PEDC Unit 3 (150MW) na ang 451MW (68.75%) kabuuang 656MW na nagsu-supply ng koryente sa Isla ay naging dahilan para mawalan ang Panay sub-grid.

Ang kakulangan ng supply sa koryente ay dulot din ng isinasagawang maintenance shutdowns na saklaw ng inaprobahan ng Department of Energy (DOE) na maaaring magsagawa ang mga grid ng operating at maintenance program.

At nitong 9:30 pm ng 2 Enero, apat lamang sa 13 power plants ang nakapagbibigay ng 40.3MW o 6.2 porsiyento ng 83.5MW na pangangailangan ng Panay Island. Dahil dito ang grid ay nangangailangan ng 300MW upang maayos na makapag-supply ng koryente.

“We will be restoring loads conservatively, by matching loads to restored generation, to prevent repeated voltage failure. NGCP is ready to transmit power once it is available. The people must understand that we can only transmit power, we do not generate power,” dagdag ng NGCP.

Ayon sa NGCP, parehong dahilan ang sanhi ng malawakang power outage ngayon sa Panay Island na nauna nang tinukoy ng kompanya kalakip ng kanilang ipinadalang sulat sa pamahalaang lungsod ng Iloilo noong 11 Mayo 2023.

Sa kanilang liham, isinasaad na kailangang magsagawa ng mas malalim na plano mula sa mga policy maker nang sa ganoon ay matugunan ang lahat ng suliranin na mayroong kaugnayan sa power system.

Natukoy din ng NGCP na dahil sa kaganapan sa Panay sub-grid at ang pagkawala ng supply ng koryente sa Negros ay kailangan itong bigyan ng solusyon at kanilang inirerekomenda na maisakatuparan ang Cebu-Negros-Panay stage 3 (CNP3) project.

Bukod dito inirerekomenda rin ng NGCP na muling pag-aralan at rebisahin ang Philippine Grid Code upang maisama ang renewable energy sources partikular ang mga apektado sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagsasagawa ng energy storage systems at iba pa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …