Sunday , December 22 2024
LA Santos Maricel Soriano Roderick Paulate Mommy Flor Santos

Mga artista nag-iyakan sa presscon ng In His Mother’s Eyes  

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA si Mommy Flor Santos dahil tinanggap ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang kanyang first ever produced film na In His Mothers Eyes na pinagbibidahan ng kanyang very talented son na si LA Santos.

Ayon kay Mommy Flor, si Maricel agad ang nasa isip niya nang ma-conceptualized ang pelikula na gaganap bilang nanay ni LA. Bukod kasi sa napakahusay nitong aktres ay isa rin itong nanay.

Bukod kay Maricel, kasama rin sa In His Mother’s Eyes ang napakahusay na aktor na si Roderick Paulate.

At sa naganap ngang grand presscon ay maraming kapatid sa panulat ang naluha at nagsabing maganda ang movie at mahuhusay ang mga nagsiganap na actors nang mapanood ang teaser nito.

Matitindi ang confrontation scenes nina Maricel at Roderick, at LA. Maganda  ang themesong nito na Inay Patawad na kinanta ni LA at komposisyon ni Jonathan Manalo. Winner din ang  eksena ni Ruby Ruiz na tsismosa at pakialamerang kapitbahay.

Bukod sa napakahusay at pang-award na performance nina Maricel, Roderick, at LA ay maraming aral na matututunan sa movie.

Kaya naman sa Nov. 29, ay sugod na sa mga sinehan at panoorin ang In His Mother’s Eyes na hatid ng 7K Entertainment, pero ‘wag kalimutang magdala ng panyo dahil tiyak tutulo ang luha sa inyong mga mata.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …