MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nagustuhan ng ilang netizens ang pagsuporta ng anak ni Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan kay Pura Luka Vega.
Hindi naibigan ng karamihan ang ginawa ni Pura na pagli-lipsynch sa Ama Namin
habang nakabihis Nazareno na lumikha ng kontrobersiya at naging dahilan ng pagkakakulong sa Sta. Cruz Manila Police District.
Ini-repost ni Frankie sa Instagram ang art card na may nakasulat ba “Drag is not a crime ” at “#FREEPURALUKAVEGA.”
Hindi ito nagustuhan ng ilang netizens kaya naman comment nila:
“Pede mo rin syang samahan don sa loob para masaya kayo, oo.”
“Samahan mo kaya sa loob ng kulungan.”
“Pwede mo xa samahan sa loob frankie.”
“Samahan mo na sa loob Kakie para full support..nag-iingay ka na naman.”
“Welcome ka nman sa loob.”
“Eh di sumama ka sa kanya…isa ka pa.”
“Sayang batang to napabayaan di alam ginagawa.”