Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ria Atayde Lorna Tolentino Sylvia Sanchez Monster

Ria ilang beses nadurog ang puso sa pelikulang Monster 

MATABIL
ni John Fontanilla

KUNG may ilang beses nang napanood ni Ria Atayde ang  pelikulang Monster, na idi-distribute ng kanilang film production, ang Nathan Studios with Lorna Tolentino, kaya ganoon din karami ang pagkadurog ng kanyang puso.

Tsika ni Ria, “Ako this is probably my 4th time watching the movie.

“I mean sobrang nakadudurog ng puso, ‘di ba? And everytime we watched it, parang mas naiintindihan ko pa lalo.

“Parang medyo iba ‘yung story telling niya, compared to what we’re used to see. 

“Kaya I enjoyed watching it kahit paulit-ulit kong pinanonood, iba pa rin ‘yung napi-pick- up ko. 

“Feel ko ‘yung puso and story line, medyo relatable rin eh specially sa ending kasi it talks about society which is very universal,” pahayag pa niya.

Natanong din ito sa kung anong  masasabi niya na may pagka-gay touch ang movie?

It won one of the queer awards during the Cannes Film Fest so that’s on it’s own. Hindi lang siya inaasahan ng mga tao ‘yung story but  you know a lot of people can relate to it, kung hindi ka katanggap-tanggap ng mundong ginagalawan mo.

“They consider you as a monster, it becomes hard to accept yourself,” ani Ria. 

Mapapanood ang Monsters sa mga sinehan nationwide simula Oct. 11.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …