Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ria Atayde Lorna Tolentino Sylvia Sanchez Monster

Sylvia, Ria, at Lorna napahanga ng Japanese film na Monster

MATABIL
ni John Fontanilla

MAPAPANOOD na sa bansa ngayong Oct. 11 sa mga sinehan nationwide ang Japanese drama film na dudurog sa puso ng maraming Pinoy, ang Monster mula sa mahusay na pagkakadirehe ni Hirokazu Kore-eda at screenplay at panulat ni Yuji Sakamoto at pinagbibidahan ni Sakura Ando.

Ayon kay Sylvia Sanchez ito ang pelikulang dumurog sa kanyang puso bilang ina at dudurog sa puso ng bawat Pinoy na makakapanood ng Monster.

Marami nga ang nagka-interes na ipamahagi sa kani-kanilang bansa ang Monster, pero masaya sina Sylvia, Ria Atayde, at Lorna Tolentino dahil sa Nathan Studios Inc. ipinagkaloob ang pagdi-distribute ng napakagandang pelikula.

Ang Monster ay pinarangalan bilang Best Screenplay and was honored with the Queer Palm at Palme D’Or nominee sa Cannes Film Festival 2023.

Napakaganda ng pelikula, grabe ang twist at madudurog ang puso mo sa ending.

Ilan sa mga artistang close kina Sylvia, Ria, at Lorna na dumalo sa premiere night noonh Oct. 3  sina Jane Oineza. Rk Bagatsing, Ynez Veneracion, Mon Confiado, Juan Carlos Labajo, Alma Concepcion, Isabel Rivas,  Bayani Agbayani, Angel Aquino atbp..

Suportado din sina Sylvia at Ria ng Atayde Family sa pangunguna nina Art Atayde, Gela, at Xavi Atayde  at ng kanilang mga kaibigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …