Sunday , December 22 2024
Hiraya Theater Productions Revelry Isang Pestibal

Pestibal ng Hiraya Theater Productions  matagumpay 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGING matagumpay ang pagpapalabas ng Hiraya Theater Production‘s Revelry, Isang Pestibal sa kanilang dalawang tampok na play, ang Tatlo…Buo at Sina-Dasal gayundin ang The Frog Prince sa St. Joseph’s College Auditorium noong September 29-30.

Isa kami sa masuwerteng nakapanood at isa ito sa mga play na hindi ako inantok o naidlip dahil na rin sa sobrang ganda at gagaling ng cast. Hindi bumitiw sa kani-kanilang role ang mga nagsipagganap at ilang beses kaming naluha sa mga eksena, kasama na ang mahuhusay  na male at female movers at ng buong produksiyon.

Bukod sa makarr-relate at may matututunang aral sa bawat play na inihanda ng Hiraya Theater Productions,  napakahusay ng pagkakasulat at pagkaka- direhe ni Chaps Manansala sa mga play. Bukod sa napakahusay din nitong theater aktor.

Ilan sa mahuhusay na nagsipagganap sa mga play na nabanggit sina BJ Forbes, Fraine Sta Ana, James Lomahan, JP Sumucad, Ethel Osorio, Chase Romero, Rea Farrah Era, Skelly Skelly, Kate Arguilles  atbp..

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …