Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miggy San Pablo UPGRADE

Miggy San Pablo ng UPGRADE pinasok ang politika

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging miyembro ng sumikat na boyband sa bansa, ang Upgrade, pinasok na rin ng isa sa miyembro nito, si Miguel “Miggy” San Pablo ang politika na tumatakbong konsehal ng baranggay sa kanilang lugar sa Malhacan, Meycauayan, Bulacan.

“Kaya ko po pinasok ang politika dahil na rin sa kinagisnan ko sa aking pamilya, na ang aking ama po ay kapitan ng aming barangay at kagawad naman ang aking nakatatandang kapatid, at saka masasabi ko rin na isa ‘yun sa pangarap ko ang maglingkod sa mga tao.

“Kinalakihan ko na rin po kasi na kasa-kasama ng ama at kapatid ko pagdating sa pagtulong sa tao, nakita ko ‘yung pagmamahal nila sa aming ka-barangay na gusto ko ring gawin kaya ako tumakbo.

“Although tumutulong-tulong na rin ako sa mga kababayan namin sa abot ng aking makakaya. Pero iba kasi ‘pag nakapuwesto ka mas maraming tao ang puwede mong matulungan.”

Ang kanyang amang si Kap Delfin “Dem” San Pablo III at ang kapatid nitong tumatakbong Kapitan na si Delfin “Tikboy” San Pablo IV at ang actor/gobernador ng Bulacan na si  Daniel Fernando ang idolo nito pagdating sa pagiging mabuting politiko.

“Isa po sa tinitingala ko ang gobernador ng aming bayan, si Gob. Daniel Fernando, dahil nagawa niyang mapagsabay ang pagiging public servant at pag-aartista at nakita ko naman po ang napakaraming magagandang nagawa niya sa Bulacan.”

Kahit pinasok na ni Miggy ang politika ay hinding-hindi niya iiwan ang showbiz.

“Sa pagpasok ko sa politika, hindi naman ibig sabihin iiwan ko na ang showbiz, siguro time management lang magagawa ko ring mapagsabay. Pero siyempre mas una para sa akin ang paglilingkod sa aking mga kababayan if papalarin akong manalo sa darating na eleksiyon.”

Kasamang tatakbo bilang konsehal ng Malhacan, Meycauayan Bulacan sina 

Romel Mel Abacan, Chon Certeza, Beverly Cornelio, Dang de Guzman, Chery Dayuta, at Tom Dulalia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …