Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Maricel Soriano Roderick Paulate

LA Santos nakipagsabayan ng aktingan kina Maricel at Roderick 

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging awardwinning singer, ‘di rin matatawaran ang husay sa pag-arte ni LA Santos na pinabilib at pinaiyak kaming nanood ng teaser ng pelikulang In His Mother’s Eyes na hatid ng 7K Entertainment.

At kahit nga baguhan sa pag-arte ay hindi ito nagpakabog at nakipagtagisan ng galing sa pag-arte with Diamond Star Maricel Soriano at Roderick Paulate na sobrang husay din sa pelikula.

Napakaganda ng pagkakasulat ng story ng award-winning screenwriters, Gina Marisa Tagasa and Jerry Gracio, at napakahusay ng direksiyon ni FM Reyes na first time na nagdirehe ng pelikula.

Nawa’y makapasok ito sa last  four na pelikulang pagpipilian para makompleto ang top 8 entries para sa 2023 Metro Manila Film Festival dahil napakaganda at tiyak maraming Filipino ang makare-relate at maraming matututunang aral.

Ilan pa sa makakasama nina LA, Maricel, at Roderick sa In His Mother’s Eyes sina 

Ogie Diaz, Vivoree Esclito, Elyson De Dios, Reign Parani, at Maila Gumila.

Ang In His Mother’s Eyes ay hatid ng 7K Entertainment na ang executive producer ay si Mommy Florita Santos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …