MATABIL
ni John Fontanilla
NAGING matagumpay ang kauna-uhang konsiyerto ng Global Pop Group na Horizon na kinabibilangan nina Vinci, Jeromy, Reyster, Keysler, Kim, Winzton, Marcus.
Mula sa ilang buwang training sa South Korea na sinundan ng successful debut ng kanilang album na Friend Ship at hit song na Seventeen sa iba’t ibang radio and TV shows sa nasabing bansa, muling bumalik ang mga ito sa Pilipinas para mag-promote ng kanilang album.
At habang nasa Pilipinas ay kaliwa’t kanan ang guestings nito sa mga TV show sa Pilipinas at ang latest nga ay ang guesting sa E.A.T ng TV5.
Isa rin ang Horizon sa featured Asian artists na magpe-perform sa AAA Awards this coming December along with other artists from different Asian countries.
Dream nga ng grupo na magkaroon ng world tour at maipamalas sa buong mundo ang husay ng Pinoy.