Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enchong Dee
Enchong Dee

Enchong epektib ang pagsasayaw ng naka-brief 

HATAWAN
ni Ed de Leon

ABA pinag-uusapan nila ngayon ang ginawang pagsasayaw ni Enchong Dee ng naka-brief lamang sa isang marketing show ng ineendoso niyang underwear brand. Eh ano ang magagawa niya endorser siya ng underwear na iyon, kaya ano man ang maisip na gimmick ng mga may-ari para makatawag ng pansin at customers, kailangang gawin niya. Kung hindi ba naman siya susunod at palitan siya, kukunin ba naman siya ng mga kalabang brand, ‘di hindi rin. At saka normal na yata iyan ngayon.

Hindi ba si Carlos Agassi rin parang naging panata na ang pagpo-post ng kanyang mga pictue na naka-brief araw-araw sa social  media dahil sa ineendoso rin niyang underwear. Ang naging endorser lang naman ng underwear na hindi nagpaka-cheap ng ganyan ay si Richard Gomez, dahil nang pinag-endorse siya ng underwear ay isa na siyang sikat na sikat na actor.

Natural may say na siya. Eh kung nagsisimula ka pa lang na parang kakaning itik, aba eh wala kang karapatang umangal.     

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …