MATABIL
ni John Fontanilla
GUWAPO, makikisig, at guwapo ang 37 candidates ng Mr Grand Philippines 2023 na humarap sa mga entertainment media at vloggers last September 18 na ginanap sa Woodwoods Convention & Leisure Hotel Silang Cavite City, hatid ng Mastermind Production.
Dalawa sa napipisil naming mag-uwi ng title at korona ang kandidato ng Misamis Oriental (Cedrick Valmores) at Sta Rosa Laguna (JV Daygon) na ibinahagi ang kanilang edge sa kanilang co-candidates para magwagi.
Ayon kay Misamis Oriental Cedrick, “My edge is my personality, na laging positibo sa lahat ng bagay.
“At naniniwala na wala kang hindi makakamit na pngarap, basta buo ang loob mo at sasamahan ng sipag at tiyaga.”
Ayon naman kay Sta Rosa Laguna JV,
“Actually this is my first pageant, my edge para manalo ako sa kompetisyong ito, to do my best.
“Because I believe that I have a pure heart and pure intentions and if you have the pure heart you can win the title.”
Bukod kay Misamis Oriental at Sta Rosa Laguna, standout at malaki rin ang tsansang makapag-uwi ng title sina PJ Rosario (Pangasinan), Jefferson Montibon (Agusan Del Norte), Aries Mentar (Nueva Ecija), Carl Nicol Santiago (Laguna), Raed El Zein (Filipino Community of UAE), Jherald Castañeda (Mandaluyong City), Shawn Krysler Centeno Sulit (Mindoro), Red Arcega (Quezon City), Lawrence Bengua (San Jose Del Monte Bulacan), at John Gindap (Muntinlupa).
Itinanghal namang Darling of the Press sina
John Gindap (Muntinlupa), Jonathan Mendoza (Tagaytay City), at PJ Rosario (Pangasinan).
Sponsors choice sina PJRosario (Pangasinan), Jherald Castañeda (Mandaluyong City), Shawn Krysler Centeno Sulit (Mindoro), Lawrence Bengua (San Jose Del Monte Bulacan), at John Gindap (Muntinlupa).
Gaganapin ang coronation night sa Nov. 12, sa Manila Hotel.