Monday , December 23 2024
Sylvia Sanchez Ria Atayde Lorna Tolentino Monster

Sylvia, Ria, Lorna durog na durog; Monster may pusong pelikula

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGSAMA-SAMA sina Sylvia Sanchez, Ria Atayde, at Lorna Tolentino sa kauna-unahang pagkakataon para sa nalalapit na showing sa Pilipinas sa Oktubre 11 ng internationally acclaimed Japanese drama na Monster

Nagsimula ang partnership nina Sylvia at Ria ng Nathan Studios at ni Lorna noong nakaraang summer ng sama-sama silang bumyahe sa Cannes Film Festival sa France para sa espesyal na screening ng Topakk na pinagbibidahan ni Arjo Atayde at idinirehe ni Richard V. Somes. 

Maliban sa screening ng Topakk sa Cannes, dito rin nagsosyo ang Nathan Studios at si Lorna sa pagbili ng mga pelikulang kanilang ire-release para sa theatrical showing dito sa Pilipinas. 

Sa ilamin ng direksiyon ng inirerespeto at multi-awarded direktor na si Hirokazu Kore-eda, tampok sa Monsterang mahuhusay na Japanese actors gaya nina Sakura Andō, Eita Nagayama, Sōya Kurokawa, Hinata Hiiragi, at Yūko Tanaka

Umiikot ang istorya ng Monster sa isang pamilya na humaharap sa pagsubok laban sa pambu-bully at isinusulong nito ang kahalagahan ng malusog na pag-iisip o ng mental health. 

Kakaiba itong pelikulang ito,” ayon kay Sylvia na kilala para sa kanyang powerful performances bilang isang ina sa pelikula at telebisyon. “Mahilig akong manood ng pelikula at sa dinami-dami ng aking napanood, isa itong ‘Monster’ na talaga namang dumurog ng todo sa puso ko bilang isang ina.”

Ayon naman kay Ria, na tumatayo bilang President and CEO ng Nathan Studios, isa ang Monster sa mga uri ng pelikula na angkop sa personalidad at mission-vision ng kanilang kompanya. “We are really aspiring and working very hard to offer cutting edge content that would challenge the minds and touch the hearts of viewers.”

Karapat-dapat ding banggitin na ang Nathan Studios ang nasa likod ng mga dekalidad na proyekto gaya ng Cattleya Killer na mapapanood ngayon sa streaming platform na Amazon Prime Video at ang Topakk na isang action-thriller genre film na kasalukuyang umiikot sa iba’t ibang prestihiyosong international film festivals sa iba’t ibang panig ng mundo gaya sa Switzerland, Japan, at Amerika. 

Para kay Lorna naman, na tinaguriang Grand Slam Queen ng Pilipinas, mahalaga at napapanahon ang mensahe ng Monster, “Dapat talagang ma-address natin ang laban sa bullying at ang pagpapalaganap ng malusog na pag-iisip para sa lahat ng tao, bata man o matanda.” 

Aminado ang tatlong premyadong aktres na malaki ang naging epekto sa kanila ng Monster sapagkat talagang pinukaw at dinurog ng pelikulang ito ang kanilang mga puso. 

Isa na ito sa pinaka-magandang mga pelikula na napanood ko. Mapapa-isip ka talaga kung sino ba talaga ang Monster,” paglalarawan ni Sylvia sa pelikula na lumaban para sa Palm d’Or sa katatapos lamang na 76th Cannes Film Festival. Dito rin pinarangalan ang pelikula ng Best Screenplay award. 

Bilang isang magulang at ina, nagkakaisa sina Sylvia at Lorna na karapat-dapat panoorin ng bawat Filipino ang Monster dahil sa mga aral ng buhay na kanilang natutunan dito gaya ng pagmamahal sa anak at pagpapahalaga sa pamilya. 

Para naman kay Ria, may matinding kurot sa puso ang Monster para sa kanya bilang isang anak na may sariling mga pangarap at minimithi sa buhay. “Iba ang pagmamahalan ng isang ina at ng kanyang anak. Malalim ito at napakasakit kung ito ay mawawasak,” paliwanag ni Ria. 

Nagkakaisa rin ang tatlong aktres na major shocker ang ending ng pelikula matapos nitong yanigin ang buong mundo sa husay ng storytelling at acting na mapapanood. 

Ipalalabas ang Monster sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa Oktubre 11 at kasalukuyang naghahanda ang Nathan Studios kasama ang isa pa nitong partner — ang 888 Films International—para sa isang red carpet special screening na dadaluhan ng mga bigating industry personalities gaya ng mga direktor, mga artista, press at online influencers, at mga kritiko ng pelikula. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …