MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA ang tinaguriang Prinsesa ng GMA Daytime serye na si Jillian Ward sa tagumpay ng Abo’t Kamay ang Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan nito sa GMA 7.
Hindi nga nito inaakala na sobrang maghi-hit ang kanyang serye, kaya naman nagpapasalamat ito sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa kanilang show.
Kaya naman walang bibitaw at manood araw-araw dahil marami pang pasabog na rebelasyong magaganap.
At bukod nga sa mga Kapuso star na nakakatrabaho nito ay dream din ni Jillian na makasama sina Coco Martin at Vice Ganda.
Game rin itong mag-guest sa Batang Quiapo ni Coco if maiimbitahan siya at libre ang kanyang oras, pero sa ngayon ay medyo malabo dahil sunod-sunod ang taping niya bukod pa sa sandamakmak na mall at out of town shows.