Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices Gary V Zild Benitez

Gary V. at Zild Benitez gustong maka- collab ng Innervoices 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBABALIK sa recording scene ang isa sa bandang sumikat noong 90’s, ang Innervoices at nagpasikat ng awiting Paano mula sa kanilang hit album na Find Away na nanalo sila ng Best Performance by a New Group Recording Artist sa 28th Awit Awards.

Ang Innervoices ay kinabibilangan nina Angelo Miguel (Vocals), Rene Tecson (Guitar), Ruben Tecson (Drums), Rey Bergado (Key Board), Alvin Herbon (Bass Guitar), Joseph Cruz (Keyboard Vocals), at Joseph Esparrago( Drums, Percussion, Vocals).

At sa kanilang pagbabalik sa recording scene ay tatlong magagandang awitin ang hatid nila sa mga Pinoy music lovers at ito ay ang Isasayaw Kita, Anghel, at Hari.

Sa September 14 ay magkakaroon sila ng launching ng kanilang mga bagong song sa 19 East na magiging espesyal na panauhin nila sina Esang De Torres, The Sonnets and Abbey 25.

Dalawa sa gusto nilang maka-collab si Gary Valenciano at ang teen rock artist na si Zild Benitez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …