MATABIL
ni John Fontanilla
BUKOD sa preparation ng 2023 Miss Universe Philippines na si Michelle Dee sa sa darating na Miss Universe 2023 ay nagsimula na rin ito ng kanyang military training para maging parte ng Philippine Air Force.
Bukod nga kasi sa kagustuhan nitong maiuwi ang panglimang korona ng Miss Universe sa bansa at sumunod sa yapak ng mga Pinay na kinoronahang Miss Universe na sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018) ay gusto rin nitong maglingkod sa bansa.
Isinusulong din nito ang kanyang adbokasiya para sa mga taong may autism. Dalawa sa kapatid ni Michelle ay autistic, kaya naman ito ang naging inspirasyon ni Michelle para maging parte ng mga grupo na ang adbokasiya ay tungkol sa Autism at simula 2019 ay isa itong Autism Society Philippines’ Goodwill Ambassador.