MATABIL
ni John Fontanilla
THANKFUL and blessed ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start sa parangal na ibinigay bilang isa sa Outstanding Youth of the Philippines 2023 na ginanap sa Music Museum kamakailan.
Ayon nga kay Klinton, “Isang malaking karangalan po ang mabigyan ng parangal na katulad ng Outstanding Youth of the Philippines 2023, at mahanay sa iba pang mga awardee mula sa iba’t ibang TV networks.
“Hindi naman po lahat nabibiyayaan ng ganitong klaseng award, kaya nagpapasalamat ako kay Sir Richard Hiñola, kay Tita Cecille Bravo at sa buong ka- Fam.
“Ito ang magsisilbing inspirasyon ko para pagbutihin pa ‘yung trabaho ko at maging isang magandang ehemplo sa mga kabataan.”
Kasabay na tumanggap ng award sina Sparkle stars Will Ashley, Jeff Moses, Althea Ablan, Elijah Alejo, Patricia Coma, Lei Angela, Keisha Serna, James Graham, Matthew Uy, at Kelvin Miranda.