MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA ang Scripted King na si Dindo Caraig sa kanyang kaarawan sa mga narinig na mensahe mula sa kanyang pamilya, kaibigan, manager, at TAK members around the globe.
Ang birthday celebration na hosted by Joey Austria and Janna Chu Chu of Barangay LSFM 97.1 ang kauna-unahang pinaka-malaking selebrasyon sa kanyang buhay.
Ilan sa mga kapwa singers na dumalo sa kanyang kaarawan sina Sarah Javier, Laverne Gonzales Arceo and Cyeat ilang entertainment press.
Present din ang mga TAK member mula sa iba’t ibang bansa na dala ang kani- kanilang pasabog na regalo like alahas, pera, mga higanteng teddy bears, at cakes.
At bago matapos ang selebrasyon ng kanyang kaarawan ay kinanta ni Dindo ang
hit song na Naghihintay na humamig na ng more than 27 million views sa Tiktok at ang nasabing awitin ay komposisyon ng Baranggay LSFM DJ na si Papa Obet.