Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bugoy Carino Belle Mariano Huling Sayaw 3

Belle Mariano hindi ginamit ng pelikulang Huling Sayaw

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING pinabulaanan ng direktor ng pelikulang Huling Sayaw na si Errol Ropero na ginagamit nila si Belle Mariano para sa promo ng kanilang pelikula kaya inilagay nila ito sa poster.

Ayon kay Direk Errol, walang pangagamit na nagaganap dahil parte naman talaga ng pelikula si Belle bilang love interest ni Bugoy Cariño sa movie. Katunayan, nakapag-pictorial pa ito na siyang ginamit sa poster ng pelikula.

Ito ang pelikulang ginawa ni Belle noonh hindi pa siya sikat. At dahil four years in the making ang movie ay nagkaroon sila ng extra shootings pero hindi na umubra ang schedule ni Belle na sobrang dami ng ginagawa sa ngayon.

At kahit nga sa promotion ng pelikula ay no show na rin si Belle at hindi rin makatutulong mag-promote dahil ayon nga sa management ng aktres hectic ang schedule.

Anyways, ‘pag kumita ang pelikula sabit pa rin siya sa success ng movie, pero ‘pag sumablay sa takilya sabit pa rin siya. Ibig sabihin wala siyang  hatak sa takilya. 

Hopefully kumita ang movie kahit walang tulong mula kay Belle dahil napakaganda ng pagkakagawa ni Direk Errol. Showing na sa Sept. 13 sa mga sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …