Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo abs-cbn

Bea Alonzo banned sa ABS-CBN?

HATAWAN
ni Ed de Leon

MARAMI ang nakapansin sa ginawang coverage ng TV Patrol doon sa rehearsal ng stage play na Larawan, hindi binanggit na kasama sa stage play na iyon si Bea Alonzo, BUkod tangi ring hindi siya nakita saglit man lang sa ipinalabas nilang video. Banned ba si Bea sa ABS-CBN na hindi maikakailang masama ang loob nang siya ay umalis doon nang mawalan ng prangkisa?

Tingnan natin iyan. Kung si Bea ay hindi umalis sa ABS-CBN nang mawalan iyon ng prangkisa,ano na ang mangyayari sa kanya? Hanggang ngayon ay maghihintay pa siya, in the meantime lalamig na ang kanyang popularidad. Mabuti kung may nakakakilala pa sa kanya kung makakuha man ng prangkisa ang ABS-CBN.

Kung iyon ngang itinuturing nilang hottest property na si Kathryn Bernardo parang malamig na ang popularidad ngayon eh, at ewan namin kung kumita man lang ba kahit na kalahating bilyon ang kanyang ipalalabas na pelikula. Noon halos P1-B ang kita ng dalawa niyang huling pelikula.

Eh si Bea naman ay hindi pa umabot sa ganoong popularidad, at idineklara nga lang movie queen ng ABS-CBN na napakahilig magbigay ng title sa kanilang stars.

Ngayon ang tanong gagawin ba naman iyon ng ABS-CBN? Bakit nga ba hindi, hindi ba ginawa na rin nila iyan kay Derek Ramsay noon nang lumipat iyon sa TV5. Iyong kanilang film outfit ang nag-distribute ng pelikula ni Derek noon, na ginawa ng isang independent film producer. Inalis nila ang pangalan at picture ni Derek sa advertising poster ng pelikula, at inalis din nila sa trailer. 

Hindi namin napanood ang pelikulang iyon kaya hindi namin alam kung lahat din ba ng mga eksena ni Derek ay edited out sa pelikula. Nagawa nila kay Derek bakit hindi nila magagawa kay Bea?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …