Saturday , November 16 2024
Mike Enriquez Janna Chu Chu John Fontanilla

Isang pasasalamat kay Sir Mike Enriquez

ni JOHN FONTANILLA

ISANG malungkot na balita para sa industriya ang pagpanaw ng isa sa well loved, napakabait, at generous na broadcaster na si Sir Mike Enriquez, ang boss namin sa DZBB at Barangay LSFM 97.1.

Hinding-hindi ko makalilimutan ang kabutihan at generosity  ni Sir Mike na siyang naging dahilan kung bakit ako napasok sa radio. Naalala ko pa nang minsang maimbitahan ako ng yumaong German “Kuya Germs” Morenosa kanyang program noon sa DZBB 594, ang Walang Siyesta.

At habang nagkukuwentuhan at nagtatawanan sa radio ay nakikinig pala sa kanyang opisina si Sir Mike at biglang bumaba at  pumasok sa booth ng DZBB. Na-starstruck ako dahil first time kong nakita ng face to face si Sir Mike at nagsalita ng, “’Wag ka na malungkot Kuya Germs may partner ka na sa program mo.” 

Na sinagot naman ni Kuya Germs ng, “sSino?,” habang ako naman ay nakikinig.

Sagot naman ni Sir Mike,” Si John, kausapin mo na ‘yan, simula bukas at sa mga susunod na araw siya na makakasama mo, okey naman tandem niyo,” na labis kong ikinagulat.

Kaya naman sa harap ni Sir Mike ay sinabihan ako ni Kuya Germs ng, “Oh si Sir Mike na ang nagsabi na simula bukas ikaw na ang kasama ko sa program.”

Na sinagot ko naman ng, “Naku kuya Germs hindi po ako nagra-radio.” 

Sabay sabi ni Sir Mike ng, “Kuya Germs kausapin mo si John.” Sabay alis nito at bumalik na sa kanyang opisina.

At doon na ako kinausap ni Kuya Germs ng, “Pumayag ka na para may kasama na ako, masasanay ka rin mag-radio, bukas ha mag-ready ka lang ng showbiz news.”

At hindi na ako nakatanggi at doon na nagsimula ang career ko bilang anchor ng DZBB at binansagan ako ni Kuya Germs ng Janna Chu Chu.

Later on ay kinuha naman ako ng Barangay LSFM 97.1 n kinausap ako ulit ni sir Mike. 

Janna kinukuha ka ng  Barangay LS, pero sa Sabado at Linggo lang kasi may Monday to Friday ka na. Okey lang ba sa ‘yo wala ka ng pahinga mula Lunes hangang Linggo na ang trabaho mo?

Na mabilis ko namang sinagot ng, “Opo,” dahil excited at gusto kong masubukan naman ang pagiging DJ.

Noong una ay ayaw pa ni Sir Mike dahil hindi ito pumapayag na tumawid ang mga anchor sa FM at ang mga DJ naman sa AM. Kaya naman masuwerte ako dahil ako lang daw ang kauna-unahang pinayagan nitong makatawid from AM to FM.

Kaya naman maraming-maraming salamat Sir Mike… Hanggang sa muling pagkikita.

About John Fontanilla

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …