Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Albie Casino Mutya ng Cotabato

Albie ‘di sanay sa mga formal show, ‘di rin na-orient

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG panonoorin mo sa video, halata mong enjoy si Albie Casino habang kinakantahan ang mga kandidata ng Mutya ng Cotabato. Pero siguro iba ang kanyang orientation, hindi siya sanay sa mga formal shows, ang dapat sinabihan siya ng director ng show kung ano ang gagawin. 

Siguro si Albie naman kasi kung nakukumbida sa mga probinsiya, mga pistahan iyon at tipong variety show ang ginaagwa.

Mabilis naman ang mga kritiko sa pamimintas na nagsabing hindi mo raw alam kung lasing si Albie o talagang sinadya niyang dinog show ang pageant.

Matinong bata naman iyan sa alam namin, at pinatutunayan naman ng lahat ng naroroon na hindi siya lasing. In fact, hindi nga raw uminom si Albie, kaya lang iyon nga siguro nasanay siya sa mga karaniwang ginagawa nila sa mga provincial show, kulang lang sa orientation.

Iyang si Albie, sayang na bata. Papasikat na iyan noon eh nang idiin ni Andi EIgenmann na binuntis siya at ayaw panagutan. Nasira nang husto si Albie noong panahong iyon, tapos lumabas naman na totoo pala ang sinasabi niya na hindi siya ang nakabuntis kay Andi, at itinuro lang siya dahil hindi maituro ang tunay na tatay na si  Jake Ejercito dahil takot sila na malaman ni Erap na nakabuntis iyon. Later on kahit na inamin din ni Andi ang kanyang ginawa at nag-apologize kay Albie, wala na, nasira na ang career niyon.

Mabuti na lang at ngayon ay parang unti-unti ngang nakababangong muli ang career ni Albie. Buti na lang sinusuportahan pa rin siya ng ABS-CBN, iyon nga lang mahina ang suporta dahil wala nang prangkisa ang network. Pero makababangon din siguro ang career ng batang iyan. Kailangan lang niyang magtiyaga at magpasensiya sa kung ano man ang sitwasyon niya ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …