Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez

Sylvia kinarir ang pagiging security guard 

MATABIL
ni John Fontanilla

PAGKATAPOS ng pamamahinga sa paggawa ng teleserye, muling mapapanood  ang mahusay at award winning actress na si Sylvia Sanchez sa pinakabagong Kapamliya seties na Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Sa bagong seryeng ito’y ginagampanan ni Sylvia ang role ng isang head ng security guard ng eskuwelahan na pinapasukan ni Andrea na may magaganap na krimen.

Tsika ni Sylvia sa kanyang pagbabalik-serye, “Ilang taon din akong ‘di gumawa ng teleserye, dahil pare-parehong role na halos nagawa ko na ‘yung offer sa akin.

Siguro mga limang projects ‘yun, tapos pelikula kaya mas pinili ko na lang muna na magpahinga for awhile, pero nang ialok sa akin ‘yung role sa ‘Senior High’ nagustuhan ko kasi ibang-iba sa mga role na nagawa ko na.

“May mga nagsasabi na sa dami-dami ng achievements ko bilang aktres bakit tinanggap ko ‘yung role na security guard? Well dapat ninyong abangan ‘yung role ko sa story ng ‘Senior High,’ kung gaano ka-importante ‘yung character ko sa show, kaya abangan n’yo ‘yung mga susunod na episodes,” ani Sylvia.

Kinarir ni Sylvia ang pagiging security guard mula sa galaw, pagsasalita, at maging sa hitsura para mas maging makatotohanan ang character na kanyang ginagampanan. 

Makakasama nina Sylvia at Andrea sa Senior High sina Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla,Xyriel Manabat, Daniela Stranner, Miggy Jimenez,Tommy Alejandrino,Gela Atayde,

Angel Aquino, Baron Geisler, Mon Confiado, Kean Cipriano, Desiree Del Valle, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes,Kakki Teodoro, at Floyd Tena sa direksiyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay.

Napapanood na simula kahapon, Aug. 28 sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV at TV5! Mapapanood din sa TFC & iWantTFC!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …