MATABIL
ni John Fontanilla
ANG may milyon-milyong streams sa Spotify at million views sa Tiktok na si Kenaniah ang newest addition sa pamilya ng BNY.
Dream come true para kay Kenaniah ang maging parte ng pamilya ng BNY.
“Dream come true para sa akin ang maging part ng family ng BNY, kasi dati pinag-uusapan lang namin pero ngayo eto na, totoo na.
“Noong sinabi sa akin ng manager ko si Sir Kean Cipriano, siyempre natuwa ako talaga kasi ito ‘yung first endorsement ko as an artist. And I know that this is going to help boost my career. So matic G agad ako.”
Excited nga ito sa plans ng BNY sa kanya. “Excited ako siymepre kapag ambassador ka maipakikita ka sa mga billboard, posters. Aside from that I’m also excited to style myself with BNY clothes and show my fans that I am part of the BNY fam.
“Excited din ako sa mga shoot and shows na mangyayari in the future. At siyempre excited ako na mapasama sa mga billboard and posters all over the country.”
Ayon naman kay Ms April ng BNY sa kung bakit nila kinuha si Kenaniah para maging isa sa ambassador ng kanilang clothing line, “We chose Kenaniah because the company wanted to tap the music industry this time.
“He is perfect for BNY, he is good looking, he’s a teenager, and he dresses well, he has his own style, this is a good fit for BNY.
“’Yung personality niya nag-ja-jive with the brand, isa siya sa nilu-look up ng mga young generations today, he’s gonna be the role model doo sa mga target market ng aming brand.”
Marami ngang magagandang plano ang kompanya sa mga susunod na araw kay Kenaniah dahil ito ang kauna-unahang bagets na singer na kinuha nila bilang ambassador.