MATABIL
ni John Fontanilla
HANDANG gawin lahat-lahat ng Vivamax actor na si Gold Azeron para sumikat at mas makilala pa.
Willing nga itong mag-frontal at ipakita ang kanyang hinaharap basta kailangan sa eksena, maganda ang script, at magaling ang direktor.
“Ngayon pa ba ako aarte, eh halos nagawa ko na lahat sa lovescene namin sa ‘Scorpion Nights’ ni Christine Bermas, maliban sa frontal scene ‘yung kitang-kita talaga.
“And kahit mag-frontal naman ako, hinding- hindi naman ako mapapahiya dahil lalaban si Jun Jun ko hahaha.
“Kaya abangan na lang nila ‘yung mga next movie ko, dahil tiyak isa roon baka mayroon na akong malupit na frontal scene,” tiwalang sabi ni Gold.
Isa sa paboritong ka-lovescene ni Gold ay ang ka-Vivamax star niyang si Azi Acosta. Iba nga ang nararamdaman niya kapag si Azi ang kaeksena dahil talaga namang tinatamaan siya ng sobra.
Magkasama sina Gold at Azi sa Vivamax movie na Call Me Alma na idinirehe ni Mac Alejandre.