Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aljur Abrenica AJ Raval

Paghuhubad, pakikipaglaplapan ni Aljur talamak sa gay websites

HATAWAN
ni Ed de Leon

LUMABAS ang stills ng isa niyang ginawang pelikula, habang si Aljur Abrenica ay nakahubo’t hubad at nakikipaglaplapan kay AJ Raval na syota niya sa tunay na buhay. 

Lumabas iyon sa isang gay website kaya napag-usapan agad, excited ang mga alagad nina Pura Luka Vega at Awra Briguela dahil isipin mo nga naman napaghubad si Aljur, eh si Awra si Mark Christian Ravena lang ang gustong paghubarin, napaaway, nakulong at ngayon ay humaharap sa patong-patong na kaso. 

Eh iyan, wala silang binayaran at kahit na sabihin mong picture lang, si Aljur naman iyon at naida-download nila para maaari nilang makita ng paulit-ulit alisin man iyon ng gay website kalaunan. 

Hindi ba ganyan din ang nangyari sa video noon ni Luis Hontiveros, inalis man ng mga gay website marami na ang nakapag-save. Kaya kalat pa rin ang video scandal ng pamangkin ng nag-sponsor ng Sogue Bill.

At bakit nga ba lumabas iyon sa isang gay website? Wala ngang duda na ang gagawin nilang pambatak sa pelikula ay ang paghuhubo’t hubad ni Aljur dahil iyon ang bago, sawa na rin naman ng mga tao sa paghuhubad ni AJ dahil matagal  na niyang nagawa iyan eh. Ilang pelikula na nga ba niya iyong tinipid sa costume kaya lagi siyang hubad.

Ang tanong maipalalabas ba iyan sa mga sinehan? Palagay namin ay hindi. Sa internet streaming lang iyan. Pero kung ganoon ang mangyayari hindi rin kikita ng malaki ang pelikula at balewala rin ang paghububo’t pakikipaglaplapan ni Aljur. 

Kung illabas naman iyan sa sinehan, kikita kaya o magkakasya na lang ang mga disipulo nina Pura Luka Vega at Awra Briguela sa pamboboso na lang sa stills ni Aljur?

Iyan ang aabangan natin. Marami pa bang kikiligin sa paghuhubo ni Aljur, samantalang ang ibang male bold stars, nagbuyanyang na ng kanilang kayamanan at ginagawa pang kahalayan. Kung hindi magagawa iyon ni Aljur, hilaw din ang paghuhubd niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …