MATABIL
ni John Fontanilla
WINNER for the second time si Nadine Lustre bilang best actress sa katatapos na 71st Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards night noong August 13 sa Fiesta Pavilion, Manila Hotel para sa mahusay nitong pagganap sa Greed.
Unang nanalo si Nadine noong 2019 para sa pelikulang Never Not Love You at ngayong 2023 ay wagi na naman ito para sa pelikulang Greed at tinalo ang iba pang mahuhusay na aktres sa bansa.
Tama ang naging desisyon ni Nadine na hindi lahat ng movie na i-offer ay tatanggapin, mas maganda nga naman na piliin ang mga project. Kailangang iba sa mga project na nagawa na at maganda ang istorya at challenging ang role.
Hindi naman choosy si Nadine sa pagtanggap ng proyekto, may mga project lang talaga na gusto nitong gawin, kumbaga dream projects para sa kanya.