Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion Sharon Cuneta Concert

Concert nina Gabby at Sharon nakatatakot sa magiging resulta sa kanilang career

HATAWAN
ni Ed de Leon

BALITANG magkakaroon ng concert sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa October sa MOA Arena.

Malaking venue iyan ha, mas malaki iyan kaysa Araneta, pero mas maganda naman ang facilties, dahil hindi naman natin maikakaila na luma na ang Araneta Coliseum. Pero parang nakatatakot ang project na iyan kung sakali, dahil napakalaki nga ng venue. 

Lately ay walang hit na kanta si Sharon, kaya tiyak iyan puro kanta nina Manny ValeraWillie Cruz, at George Canseco ang mangingibabaw at mga cover versions na puwede niyang kantahin. 

Si Gabby naman ay hindi talagang singer, bagama’t nakakakanta rin naman noong araw. Walang duda na ang nag-initiate ng project ay kampo ni Sharon dahil siya ang mas kilalang singer. Malaking sugal iyang concert nila ni Gabby, pero wala namang choice eh, kasi nakasama na ni Sharon sa concert maging si Regine Velasquez at hindi naman umingay iyon. 

Dati basta concert ni Sharon talagang malaking event, pero ang mga concert niya lately maging sa abroad hindi na rin ganoon. Aminin natin tumatanda na rin naman siya at ang kanyang mga screaming fan noon ay matatanda na rin ngayon. Isa pa, may epekto kay Sharon ang kanyang political leanings. Basta identified ka sa talunan. Talo ka rin.

Naisip lang namin, gagawa na rin sila ng project ni Gabby bakit hindi pa pelikula na mas marami ang makakapanood, at tiyak kaya ng masa na manood dahil mas mura naman ang admisson sa sinehan kaysa isang concert. Ang mg pelikula nila noon ni Gabby ay puro malalaking hits. Ang first movie ni Sharon ay naging malaking hit, dahil katambal niya si Gabby. 

Noong bumaba na ang popularidad ng kanyang mga pelikula at ang isa ay inilampaso pa sa takilya ng isang Claudia Zobel, kinuha ulit ng Viva si Gabby para sa pelikula ni Sharon at kumita na naman iyon ng malaki. Ibig sabihin, may pruweba na ang love team sa pelikula. Bakit hindi pelikula ang kanilang ginawa?

Noong unang bumalik si Gabby galing sa US, gusto niyang gumawa sila ng pelikula ni Sharon pero todo tanggi ng babae dahil baka raw magkaroon pa ng mga intriga at makaapekto sa kanyang buhay may asawa. Noon namang umingay si Gabby at gusto na niyang gumawa sila ng pelikula, si Gabby naman ang nagbigay ng kanyang kondisyon, na hindi naman nakayanan ng Star Cinema.

Kung sa panahong ito ay muli silang nag-usap ng mabuti at gumawa na lang ng pelikula, tiyak na mas may advantage, pero kailangang tanggapin ni Sharon ang katotohanan na iba na ang sitwasyon ngayon. Si Gabby ay nakagawa ng sunod-sundo na hits na serye na ang partner lamang ay si Sanya Lopez. Samantalang mahina ang dalawang pelikula ni Sharon nakasama niya ang dalawang naging syota rin niya noong araw na sina Cong Richard Gomez at Sen Robin Padilla

Sinubukan na rin niyang gumawa ng off beat role, kasama ng hot actor na si Marco Gumabao pero wala rin. Kaya nag-iba na ang sitwasyon, medyo angat si Gabby ngayon. 

Buti nga kung sa October ang concert, baka maging positibo iyan para kay Sharon.

Sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kasi ay kasali ang pelikula niyang kasama si Alden Richards. Kung ang pelikula nila ay hindi magiging top grosser ng festival at hindi kikita ng kahit na kalahating bilyon sa sampung araw, iyon na ang waterloo ni Sharon. Dahil ang pelikula ni Alden ay naka-P1-B noong kasama niya si Kathryn Bernardo. At iyong pelikula ni Nadine Lustre naging topgrosser ng MMFF at kumita ng kalahating bilyong piso.

Lalabas na tapos na nga ang panahon ni Sharon at baka ibig sabihin niyon ay panahon na para harapin niya ang matagal na niyang sinasabing retirement niya. Pero kung makaka-angat si Sharon pagkatapos ng concert nila ni Gabby plus factor iyon. 

Pero hindi maganda ang lumalabas na hindi sila magkasama sa publicity pictorials, hindi sila nag-uusap at hindi rin nagsasabay sa rehearsal man lang. Kailangang ipaliwanag ni Sharon sa kanyang asawa na artista siya at kilangan ang kilig factor para kumita ang concert na iyan. Kung hindi bakit pa nga ba gagawin iyan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …