Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pura Luka Vega

Pura Luka Vega ikinakabit sa Rio de Janeiro

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG dapat nang maloka si Pura Luka Vega. Isipin ninyong naideklara na rin siyang persona non grata sa buong Cebu. 

Nauna rito idineklara na siyang persona non grta sa buong lalawigan ng Laguna, lunsod ng Maynila, Negros Occidental, Floridablanca, Pampanga, Cagayan de Oro, General Santos at kung saan-san pa.  

Suwerte siya hindi pa siya deklaradong  persona non grata sa Mandaluyong na may ilang gay bars, ganoon din sa Taguig dahil may gay bar din sa BGC at sa Quezon City na talamak din ang mga gay bar. 

May mapupuntahan pa rin siya para mag-perform pero marami na ang nag-aabang sa kanya kahit mga LGBTQ, basta raw sinubukan niya ulit na mambastos ng pananampalataya, babatuhin na siya. 

Naisip kasi nila ang ginawang pagsamba ng mga bakla sa demonyo sa Rio de Janeiro sa Brazil, na agad nasundan ng sakuna na marami ang namatay kabilang na ang mga bakla. Kung mangyari nga naman iyan dito dahil sa kalapastanganan ni Pura Luka Vega tiyak na ang hindi lamng mapipinsala ay ang mga nagdeklara sa kanyang persona non grata. Kami man ay nagdarasal din dahil itong Quezon City, bukod sa sinasabi ngang napakaraming gay bar ay diretsahang sumusuporta sa mga bakla. Delikado iyan, ayaw din naming maging parang Rio de Janeiro. Nag-iisip na nga kaming bumalik sa Maynila kung ‘di nga lang puro baha. Sa Maynila naman kasi may umihi lang sa kanto baha na eh.

Tumigil na rin ang mga kumakampi kay Pura Luka Vega, naalala kasi nila ang Rio de Janeiro, matapos ang parada ng mga bakla na nilait si Kristo at ginawang bida ng demonyo, nagkaroon ng isang napakalaking baha kinabukasan. Kalimutan  na ang mga banal na kasulatan, kalimutan na ang Sodom at Gomorrah, Rio de Janeiro na lang.

Masasabi ba ninyo na iyang Egay at Falcon ay hindi ganti ng langit dahil sa kabalahuraan ni Pura Luka Vega?

Naalala tuloy namin ang mga nakatala sa aklat ng Genesis na nakipagtawaran si Abraham nang sabihin ng Diyos, “Kung makakakita ako ng 50 taong matuwid sa Sodom, hindi ko sisirain ang lunsod alang-alng sa kanila.”

Mabilis na sumagot si Abraham paano po kung 45 lamang ang matino? Ang sagot ng Diyos, “hindi alang-alang sa 45 matuwid.” Tumawad pa si Abraham hanggang 20 at nanaig ang awa ng Diyosl. Eh kaso wala ring 20 nawasak sila.

Rito sa atin hindi lang si Pura Luka Vega, sa isang beauty contest ng mga bakla may nakadamit namang tulad ng sa mahal  na birhen. Sobra na ang kalapastanganan ng mga bakla at wala pang Sogie Law iyan. 

Oras na mailusot ni Senadora Risa Hontiveros iyang Sogie Law sa senado, sana lumabas pa ang maraming scandal ng kanyang pamangkin na ginawa ng mga bakla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …